Tungkol sa Komite ng Halalan

Ang Komite ng Halalan ang namamahala ng halalan para sa Lupon ng OTW. Ito ay binuo noong kalagitnaan ng 2014 at inihiwalay mula sa Lupon ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha). Sinisigurado namin na ang proseso ng eleksyon ay tapat, kumpidensyal, at naisasagawa sa itinakdang oras. Bilang isang pangkat, inaayos namin ang mga proseso at kinakausap ang iba pang mga kasapi at komite ng OTW tungkol dito. Tinutulungan din namin ang mga kandidato na paghandaan at gawin ang kanilang mga tungkulin. Kami rin ang nagpapatakbo ng halalan mismo.

Bagamat nagtutulungan ang aming mga miyembro upang maisagawa ang aming mga proyekto, mayroon kaming limang tiyak na tungkulin bilang mga kawani. Ito ay ang sumusunod:

Tagapamagitan sa Kandidato
Ang mga Tagapamagitan sa Kandidato ang direktang kumakausap at sumusuporta sa mga kandidato. Ginagabayan nila ang mga ito mula sa pagdeklara ng pangangandidato hanggang sa pagtakbo sa halalan.

Dalubhasa sa Komunikasyon
Ang mga Dalubhasa sa Komunikasyon ang pangunahing manunulat at patnugot ng komite. Sila ang tagahanda ng mga
pampublikong balita at ng mga panloob na anunsyo. Tumutulong din sila sa pagsulat at pamamatnugot ng dokumentasyon ng komite.

Tagapamahala ng Pangkat
Ang mga Tagapamahala ng Pangkat ang nag-aasikaso ng lahat nang administratibo at organisasyonal na tungkulin sa loob ng komite. Sila ang gumagawa ng mga proseso, nagpapatakbo ng pangangalap ng mga miyembro, nagpaplano ng mga miting, tumutulong sa pagplano ng mga proyekto, at nangangasiwa sa dokumentasyon ng komite.

Arkitekto ng Proseso ng Pagboto

Ang mga Arkitekto ng Proseso ng Pagboto ang gumagawa at nangangasiwa sa proseso ng pagboto at sa mga software na ginagamit para dito. Sa pamamagitan nito, sinisigurado nila na walang dayaang magaganap sa halalan. Sila rin ang tagapayo sa komite kung ano ang pinaka-mainam na estratehiya upang mapangalagaan ang kumpidensyal na impormasyon tungkol sa mga kandidato at mamboboto. Pinapanatili nila ang integridad ng proseso ng pagboto.

Kawaning Naghahandang maging Tagapangulo

Pinag-aaralan ng mga Kawaning Naghahandang maging Tagapangulo ang lahat ng gawain ng mga komite upang magkaroon ng pagkakataong maging bahagi ng Lupon ng Pangangasiwa.Sa loob ng anim na buwan, sumusunod sila sa mga miyembro ng iba’t ibang komite para maunawaan at tulungan sila sa kanilang mga gawain.

Kung mayroon kang iba pang tanong o kung nais mong sumali sa aming pangkat, maaaring makipag-ugnayan sa amin dito!