Timeline ng Halalan Para Sa Taong 2021

Ito ang opisyal na timeline ng halalan para sa taong 2021. Isasagawa lamang sa Ingles ang ilang mga kaganapan sa halalan, tulad ng panahon para sa katanungan at mga live na usapan kasama ang mga kandidato. Para sa karagdagang impormasyon ukol dito, mangyaring puntahan ang salin sa Ingles ng timeline na ito sa pamamagitan ng pagpili ng “English” mula sa listahan ng mga wika sa dakong kaliwa ng pahinang ito.
Ika-18 ng Hunyo

  • Alas 11:59 ng gabi UTC ang palugit para sa pagiging kandidato. Kailangan ding maging miyembro ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) ang mga kandidato sa oras na ito.
  • Alas 11:59 ng gabi UTC ang palugit para sa pagsusumite ng mga kandidato ng kanilang mga Talambuhay at Plataporma sa Komite ng Halalan. Kung isasalin ang mga pahayag, ang pinakahuling isinumiteng pahayag ang huling isasalin.

Ika-20 ng Hunyo

  • Ihahayag sa publiko ang mga kandidato, at ilalathala ang kanilang mga Talambuhay at Plataporma.

Ika-30 ng Hunyo

  • Ang palugit para sa pagiging miyembro upang makaboto sa darating na halalan.
  • Maaaring bumoto sa halalang ito ang sinumang magiging miyembro sa pagitan ng ika-1 ng Hulyo, 2020 at ika-30 ng Hunyo, 2021, kasama ang una at huling mga petsa UTC. Mangyaring tandaan na nakatakda ang petsa ng resibo ng iyong donasyon sa US Eastern Time, kaya kung nailista ang iyong donasyon matapos ang alas 19:59 sa ika-30 ng Hunyo, 2021 sa resibo nito, hindi ka maaaring bumoto. Kung may alanganin ka kung nagawa ang iyong donasyon bago ang palugit, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Komite ng Pagsulong at Kaaniban sa pamamagitan ng paggamit sa form ng pakikipag-ugnayan na nasa aming website at sa pagpili sa “Kasalukuyan ba ang aking pagiging miyembro/Maaari ba akong bumoto?”.

Ika-24 ng Hulyo

  • Ipapadala sa email ng mga maaaring bumoto ang mga panuto para sa mga botante.

Ika-3 ng Agosto

  • Ang palugit para makipag-ugnayan sa Komite ng Halalan ukol sa kahilingan para magtalaga ng kahalili kung hindi ka makakagamit ng email sa buong panahon ng halalan.

Ika-13 hanggang ika-16 ng Agosto

  • Gaganapin ang halalan mula alas 12:01 ng umaga UTC sa araw ng Biyernes hanggang alas 11:59 ng gabi UTC sa araw ng Lunes.

Ika-17 ng Agosto

  • Ihahayag ang mga resulta ng halalan.

Ika-24 ng Agosto

  • Ang palugit para humiling ng muling pagbibilang.

Ika-1 ng Oktubre

  • Simula ng paglilipat ng tungkulin sa mga bagong miyembro.

Matatagpuan ang mga timeline ng mga nakalipas na taon sa pahina ngNakaraan.