Paghahayag ng mga Kandidato
Ang OTW (Pagsasaling-wika) ay nagagalak na ipahayag ang mga sumusunod na kandidato para sa Halalan ng 2016 (naka-alpabetong pagkakaayos ng ibinigay na pangalan):
- James Beal
- Kristina Busse
- Priscilla Del Cima
Dahil mayroon tayong dalawang posisyon na kailangang punuan at 3 kandidato, ang halalan ng 2016 ay pagtutunggalian—iyon ay, pagbobotohan ng mga miyembro ng OTW kung sino sa mga kandidato ang magpupuno ng mga posisyon.
Ang Komite ng Halalan ay nasasabik na ipakilala ang mga kandidato sa lahat ng mga kasapi ng OTW! Kasama sa paskil na ito ay mga kawing patungo sa mga maikling bio at manipesto na sinulat ng mga kandidato. Minamarkahan din ng paskil na ito ang simula ng panahon ng Tanungan at Sagutan, kung kailan inaanyayahan namin ang publiko na magsumite ng mga katanungan para sa mga kandidato. Dagdag pa rito, kami ay mangangasiwa ng serye ng mga live chats – ang mga petsa at oras nito’y i-aanunsyo batay sa pagkakapwede ng kandidato. Ang impormasyon ukol sa panahon at paraan ng pagboto ay ipapaskil sa ilang sandali.
Samantala, mayroong timeline ng mga kaganapan sa panahon ng Halalan na matatagpuan dito para sa inyong pagsangguni. Basahin upang mas maging maalam tungkol sa ating mga kandidato at kung paano ka makakapagsumite ng mga katanungan para sa kanila!
Mga Manipesto at Bio
Aming hiniling sa bawat kandidato na magbigay ng maikling bio na bumubuod ng kanilang karanasang propesyonal at fannish, maging na sumulat ng manipesto ukol sa kanilang mga tunguhin para sa kanilang termino sa Lupon sa pamamagitan ng pagsagot ng mga sumusunod na katanungan:
- Bakit ka nagpasyang tumakbo para sa halalan ng pagka-Lupon?
- Anong mga kasanayan at/o karanasan ang maihahatid mo sa Lupon?
- Anong mga tunguhin ang nais mong makamit sa iyong termino?
- Ano ang naging karanasan mo sa mga proyekto ng OTW at paano ka makikipagtulungan sa mga nauukol na komite upang suportahan at palakasin sila? Maaaring isama ang Archive of Our Own – AO3 (Ang Aming Sariling Sisidlan), Transformative Works and Cultures – TWC (Ibahing Katha at Kultura), Fanlore, aming trabaho sa Legal Advocacy (Legal na Pagtataguyod) at Open Doors, bagaman huwag mag-atubiling magbigay-diin sa mga partikular na larangang iyong kinikilingan.
- Mamili ng dalawang paksa/isyu na sa tingin mo ay dapat maging mataas na prayoridad para sa OTW, panloob at panlabas. Ano ang kahulugan ng mga paksang ito sa iyo at bakit mo pinapahalagahan ang mga ito? Paano mo gagawing bahagi ng iyong paninilbihan ang mga ito?
- Ano sa tingin mo ang mga pinakamahalagang responsibilidad ng Lupon o miyembro ng Lupon? Ikaw ba ay marunong sa mga legal na pangangailangan para sa isang di-pangkalakal na Lupon ng Pangangasiwa na naka-base sa Estados Unidos?
- Paano mo pagbabalansehin ang iyong trabaho sa Lupon sa iba mo pang mga tungkulin sa OTW, o paano mo binabalak na ipasa ang mga kasalukuyan mong tungkulin upang mapagtuunan ang trabahong pang-Lupon?
Maaring basahin pareho ang mga sagot ng mga kandidato sa mga tanong na ito at ang kanilang mga bio sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kawing sa ibaba.
- James Beal: Bio at Mga Tanong sa Manipesto
- Kristina Busse: Bio at Mga Tanong sa Manipesto
- Priscilla Del Cima: Bio at Mga Tanong sa Manipesto
Tanungan at Sagutan (Q&A)
Sasagot din ang mga kandidato ng mga katanungan mula sa publiko. Sinuman ay maaaring magsumite ng mga tanong gamit ang Form na pang-halalan. Mangyaring isumite ang lahat ng mga katanungan bago lumagpas ang 11:59 ng gabi, UTC sa ika-7 ng Agosto. (anong oras iyan kung saan ako nakatira?). Lahat ng mga kandidato ay sasagutin ang bawat tanong na isinumite, sa ilalim ng mga sumusunod na limitasyon:
- Ang mga tanong ay hindi dapat pag-uulit ng mga tanong mula sa mga manipesto. Ito ay para hayaan ang mga kandidatong gamitin ang kanilang oras sa pagsagot ng mga bagong tanong.
- Ang mga magkakaparehong tanong ay igugrupo upang hindi ulitin ng mga kandidato ang kanilang mga sarili.
- Kung ikaw ay may karagdagang katanungan sa isang tanong sa manipesto, maaring paki-banggit na ito ay isang karagdagang katanungan para hindi ito ituring na isang pag-uulit.
Ang petsa ng pagpapaskil ng mga kasagutan ay pipiliin ayon sa bilang ng mga tanong na natanggap. Ang mga paskil ay ikakalat, nakaayos batay sa paksa, upang mas madalian ang mga botante na mabasa ang lahat ng mga kasagutan.
Ang pambalitang paskil na ito ay isinalin ng mga boluntaryong tagasaling-wika ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa aming trabaho, maanong tumungo sa pahina para sa Pagsasaling-wika sa transformativeworks.org.