Pagboto sa Halalan ng OTW

Upang makaboto para sa mga miyembro ng Lupon ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha), kinakailangang isa kang nagbabayad na miyembro ng OTW sa ika-30 ng Hunyo sa taon ng halalan. Mangyaring tandaan na nakatakda ang petsa ng resibo ng iyong donasyon sa US Eastern Time, kaya kung nailista ang iyong donasyon matapos ang 19:59 sa ika-30 ng Hunyo sa resibo, hindi ka maaaring bumoto. Kung hindi ka sigurado na nakaabot ang iyong donasyon bago ang palugit, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Komite ng Pagpapaunlad at Kaaniban sa pamamagitan ng form ng pakikipag-ugnayan na nasa aming website at pagpili sa “Is my membership current/Am I eligible to vote?” (“Kasalukuyan ba akong miyembro/Maaari ba akong bumoto?”). Tingnan ang Timeline para sa iba pang mga mahahalagang petsa.

Kinakailangang nakapagbigay ka na ng donasyon gamit ang isang personal na tseke, credit card, o PayPal account na ikaw ang may-ari. Para makumpirma rin ang iyong pagiging miyembro, kinakailangan din naming maiugnay ang iyong bayad sa isang account sa bangko o credit card upang mapatunayang pagmamay-ari ito ng isang tunay na tao pagdating ng halalan.

Sumali sa OTW at magkaroon ng
karapatang bumoto!

Matapos masiguro na kwalipikadong botante ka, mangyaring basahin ang mga gabay sa pagboto.

Batayan ang mga sumusunod na aksyon para tanggalan ng karapatang bumoto ang isang botante para sa taon ng halalan kung kailan ginawa ang paglabag:

  • Pag-aalok ng anumang insentibo para sa isang boto (gamit ang pera o iba pang uri ng kabayaran, kabilang ang mga malikhaing katha).
  • Paglalantad ng mga sagisag-panulat ng mga kandidato, o pag-uugnay sa ligal at fannish na pangalan ng kahit sinong miyembro o boluntaryo ng OTW na hindi pumayag na malaman ito ng publiko.