Mga Inaasahang Pag-uugali para sa Proseso ng Halalan

Upang paunlarin ang isang bukas, mapag-anyaya at positibong proseso ng halalan, hinihiling ng Komite ng Halalan sa mga kandidato, boluntaryo at miyembro na sumunod sa mga simpleng inaasahang pag-uugali habang ginaganap ang mga opisyal na gawain ng halalan:

  • Iwasang gumamit ng mga insulto, kasama na ang mga insultong may kinalaman sa mga kapansanan sa pangangatawan o pangkaisipan.
  • Igalang ang neutralidad sa kasarian at/o ang pamimili ng panghalip.
  • Pag-usapan ang asal/salita ng mga kandidato, hindi ang tao mismo. Halimbawa: Sabihing “Hindi sinagot ni X ang suliraning Y” sa halip na “si X ay walang pakundangan.”
  • Huwag gamitin ang mga kagamitan ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha), o ang iyong access sa mga ito, o humiling sa iba na gamitin ang kanilang mga kagamitan/ access, upang manligalig, mansubaybay, mang-espya, o magbanta laban sa kahit sinong boluntaryo, miyembro, o kandidato.
  • Huwag hadlangan ang kandidatura ng kahit sinong kandidato na maaaring mas nakabababa sa iyo.
  • Iwasang ibunyag ang katauhan ng iba. Iwasang pag-ugnayin ang fannish na katauhan, pangalang ginagamit sa OTW, at/o ang ligal na pangalan (o anupamang mga gawaing maiuugnay sa mga pangalang ito), na walang malinaw na pahintulot mula sa taong iyon. Ang pagbubunyag ay hahantong sa pagkatanggal ng pribilehiyong bumoto o, sa kaso ng mga kandidato, pagkatanggal mula sa balota.
  • Huwag manuhol ng kahit sino, gamit ng pera, hangang-katha, o kahit ano pa man. Ang panunuhol ay hahantong din sa pagkatanggal ng pribilehiyong bumoto o pagkatanggal mula sa balota.