Mga Gawain ng Lupon

Ano ang mga gawain ng isang miyembro ng Lupon ng Pangangasiwa?

Bilang isang grupo, kabilang sa mga tungkulin ng Lupon ang estratehikong pagpaplano at pagdedesisyon sa mga paksang tulad ng misyon, taunang badyet, mga proyekto at prayoridad ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha); pagpapanatili ng pang-matagalang pokus ng organisasyon; pagbabantay sa pagsulong ng estratehikong layunin ng organisasyon; pagtitiyak ng pagsunod ng organisasyon sa batas; pananagutan para sa mga gawain ng organisasyon; pagtanggap ng ligal na pananagutan para sa organisasyon at sa pananalapi nito sa IRS; at pagpirma ng mga kontrata, paglalabas ng mga pondo, at pangangasiwa sa mga iba’t ibang uri ng transaksyon at gawain.

Bilang mga indibidwal, ang mga miyembro ng lupon ay inaasahang sumali sa mga pagpupulong sa chat, sumubaybay sa mga mahahalagang komunikasyon at ulat ukol sa organisasyon, at kumilos nang may malinis na hangarin para sa ikabubuti ng OTW.