Kahit na mayroong mga tao na sang-ayon na maiugnay ang kanilang fannish na pagkakakilanlan sa kanilang mga ligal na pagkakakilanlan, hindi lahat ay sang-ayon dito, sa iba’t ibang kadahilanan. Inilalagay ng patakaran ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) ang desisyon sa kamay ng mga kandidato; sila ang magpapasiya kung gaano sila kakomportable na ihayag ang kanilang mga fannish na pagkakakilanlan. Ito ay sumasaklaw sa panahon ng halalan at pagkatapos nito, para sa mga kandidato na ihinahalal pati na rin para sa mga hindi.
Group: Lagom
Ang mga partikular na posisyon ba ay may mga natatanging pangangailangan?
Inirerekomenda na ang mga opisyal ng Lupon (Pangulo, Ingat-Yaman, at Kalihim) ay dapat na may karanasan sa Lupon bago maging opisyal. Maliban dito, wala.
Pag-uugnayin ba ang aking ligal na pangalan at ang fannish kong pagkakakilanlan?
Tangi lamang kung iyong pipiliin, tulad ng pagbanggit mo ng iyong fannish na pagkakakilanlan sa Bio para sa pagka-kandidato na isusumite mo bilang bahagi ng proseso ng halalan. Ang mga kawani ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) at dokumentasyon ay tatawagin ka lamang sa iyong ligal na pangalan.
Bakit kailangan kong gamitin ang aking ligal na pangalan?
Dahil ang mga direktor ay may ligal na pananagutan para sa OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) at sa pananalapi nito, ang kanilang mga aksyon ay dapat na matatali sa kanilang ligal na pagkakakilanlan. Ito ay bahagi ng mga regulasyon ng IRS para sa mga inkorporadang organisasyong di-pangkalakal, kung saan ang OTW ay isa rito.
Bakit kailangan kong manilbihan muna sa isang komite bago ako kumandidato?
Sinisigurado ng pagsisilbi sa isang komite sa loob ng organisasyon na ang isang kandidato ay may tiyak na antas ng kaalaman sa panloob na pagpapalakad ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha), pati na rin ang kakayahang makipagtrabaho ng maayos bilang online na boluntaryo. Ipinapakita rin nito na ang kandidato ay nagpakita ng pagpapahalaga sa OTW at mga birtud nito.
Sino ang mga maaaring maging kandidato?
Maanong tingnan ang Pagiging Kandidato para sa impormasyon sa mga katangiang kinakailangan bago maging kandidato.