Ang pagboto gamit ang kinatawan ay ang pagtatalaga ng ibang tao na bumoto para sa iyo sa halalan, na pinapayagan ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) alinsunod sa batas ng Delaware. Karaniwan itong isinasagawa kung hindi makakaboto ang isang miyembro sa panahon ng halalan dahil hindi siya makakagamit ng internet o may ibang tungkuling kailangang asikasuhin.
Kung hindi mabuksan ng isang miyembro ang panubok na balota, halimbawa maaaring gumagamit siya ng lumang software o may iba pang isyung kaugnay sa pagkakaakma ng software na naging dahilan kung bakit hindi mabuksan ang balota, malamang magkakaroon siya ng parehong isyu sa tunay na balota at nararapat magtalaga ng kinatawan. Ikaw mismo ang dapat magtalaga ng iyong kinatawan. Hindi magtatalaga ang Komite ng Halalan at ang OTW ng mga kinatawan para sa mga miyembro.
Itinatalaga ang mga kinatawan sa pamamagitan ng email. Tuwing magpapadala ng email upang magtalaga ng kinatawan, kinakailangang sundin ang mga sumusunod:
- Kailangang magmula ang kahilingan para sa pagtatalaga ng kinatawan sa email account na iyong ginamit para magbigay ng donasyon sa OTW;
- Kailangan itong ipadala sa [email protected] at sa iyong kinatawani;
- Kailangan kasama sa email ang iyong ligal na pangalan; at
- Kailangan nakasaad sa email na nais mong italaga bilang iyong kinatawan ang tagatanggap ng iyong email.
Kinakailangang sagutin ng iyong kinatawan ang email na iyon bilang pagkilala na natanggap niya ito. Kinakailangan din niyang gamitin ang kanyang ligal na pangalan sa kanyang pagtugon. Dapat matanggap ng [email protected] ang tugon na ito dalawang linggo bago ang halalan. I-aanunsyo ang opisyal na huling araw para sa pagtatalaga ng kinatawani sa timeline ng halalan.
Tumatagal ang pagiging kinatawan ng anim na buwan; hindi namin maaaring bawiin o palitan ang iyong nakatalagang kinatawan hanggang hindi pa natatapos ang anim na buwan na iyon. Kung sakaling itinalaga kang maging isang kinatawan, hindi mo maaaring ipasa ang tungkuling ito sa ibang tao.