Lagom
Tanging mga kasapi ng Lupon ng Pangangasiwa ang mga ihinahalal. Ang Lupon ng Pangagasiwa ay grupo ng mga indibidwal na namamahala sa OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha). Kabilang dito ang tatlong mga opisyal na umuulo sa OTW (Pangulo, Ingat-Yaman, at Kalihim), maging mga miyembrong di-opisyal. Hindi tumatakbo para sa mga partikular na posisyon; tumatakbo sila para sa isang posisyon sa Lupon, at ang mga kasapi naman ng Lupon ang sama-samang pipili ng opisyal mula sa pangkat pagkatapos ng kanilang termino sa pagka-opisyal (mas maikli ang termino ng pagka-opisyal kaysa pagka-direktor).
Hindi bababa sa dalawang direktor ang ihinahalal taon-taon (sa halalang isinasagawa ng mga nagbabayad na kasapi ng OTW), at sa kasalukyan, sila ay nagsisilbi sa loob ng tatlong taong termino.
Bilang isang pangkat, kasama sa kanilang mga tungkulin ang pagsasakatuparan ng estratehikong pagpaplano at paggawa ng desisyon sa mga paksang tulad ng mga misyon ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha), taunang badyet, mga proyekto at prayoridad; pagpapanatili ng isang pang-matagalang pokus para sa organisasyon; pagsubaybay ng pagsulong tungo sa estratehikong mga layunin; pagtiyak ng ligal na pagsunod ng organisasyon; pagtanggap ng responsibilidad para sa mga pangkatang aksyon; pagkakaroon ng ligal na pananagutan para sa organisasyon at ang pananalapi nito sa IRS; at paglagda ng mga kontrata, paglalabas ng pondo, at pangangasiwa ng iba’t-ibang uri ng tungkulin.
Bilang indibidwal, ang mga kasapi ng lupon ay inaasahang dumalo sa mga pulong na nakabase sa chat; manatiling maalam sa mga komunikasyon at mga ulat na pang-organisasyon; at umakto ng may malinis na hangarin sa ikabubuti ng mga interes ng OTW.
Maanong tingnan ang Pagiging Kandidato para sa impormasyon sa mga katangiang kinakailangan bago maging kandidato.
Sinisigurado ng pagsisilbi sa isang komite sa loob ng organisasyon na ang isang kandidato ay may tiyak na antas ng kaalaman sa panloob na pagpapalakad ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha), pati na rin ang kakayahang makipagtrabaho ng maayos bilang online na boluntaryo. Ipinapakita rin nito na ang kandidato ay nagpakita ng pagpapahalaga sa OTW at mga birtud nito.
Dahil ang mga direktor ay may ligal na pananagutan para sa OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) at sa pananalapi nito, ang kanilang mga aksyon ay dapat na matatali sa kanilang ligal na pagkakakilanlan. Ito ay bahagi ng mga regulasyon ng IRS para sa mga inkorporadang organisasyong di-pangkalakal, kung saan ang OTW ay isa rito.
Tangi lamang kung iyong pipiliin, tulad ng pagbanggit mo ng iyong fannish na pagkakakilanlan sa Bio para sa pagka-kandidato na isusumite mo bilang bahagi ng proseso ng halalan. Ang mga kawani ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) at dokumentasyon ay tatawagin ka lamang sa iyong ligal na pangalan.
Inirerekomenda na ang mga opisyal ng Lupon (Pangulo, Ingat-Yaman, at Kalihim) ay dapat na may karanasan sa Lupon bago maging opisyal. Maliban dito, wala.
Kahit na mayroong mga tao na sang-ayon na maiugnay ang kanilang fannish na pagkakakilanlan sa kanilang mga ligal na pagkakakilanlan, hindi lahat ay sang-ayon dito, sa iba’t ibang kadahilanan. Inilalagay ng patakaran ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) ang desisyon sa kamay ng mga kandidato; sila ang magpapasiya kung gaano sila kakomportable na ihayag ang kanilang mga fannish na pagkakakilanlan. Ito ay sumasaklaw sa panahon ng halalan at pagkatapos nito, para sa mga kandidato na ihinahalal pati na rin para sa mga hindi.
Kandidatura
Siguraduhin na natupad mo ang mga kondisyon ng kandidatura at pumapayag kang tumakbo gamit ang iyong ligal na pangalan. Magpadala ng email sa tagapangulo ng Komite ng Halalan na nagsasaad ng iyong ligal na pangalan at isang pahayag na ikaw ay higit sa 18 taong gulang. Mangyaring ipaalam din sa Komite ng Halalan kung ikaw ay gumagamit ng isang sagisag-panulat at kung nais mong palitan ang iyong pangalan sa OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) ng iyong ligal na pangalan bago ang iyong kandidatura o pagkaraan ng halalan. Matapos nito, makikipag-ugnayan ang Komite ng Halalan sa mga nararapat na komite upang mapatotohanan kung natupad mo nga ang mga kondisyon ng kandidatura. Nakalista sa timeline ng halalan ang nakatakdang huling araw para sa pagdedeklara ng iyong kandidatura.
Nagaganap ang pinagtutunggaliang halalan kung mas marami ang mga kandidato kaysa sa bakanteng pwesto sa Lupon ng mga Tagapangasiwa, at ang mga botante ang pipili kung sino ang ihahalal.
Samantala, nagaganap ang isang hindi pinagtutunggaliang halalan kung ang bilang ng mga bakanteng puwesto sa Lupon ay katumbas o mas higit pa sa bilang ng mga kandidato. Sa pagsunod sa proseso ng halalan (maliban sa botohan, na hindi na kailangan), awtomatikong mahahalal sa Lupon ang bawat kandidato. Ang lahat ng mga matitirang bakanteng puwesto ay mananatiling bakante hanggang sa susunod na halalan.
Oo, kung hindi ka naihalal, maaari kang tumakbo muli sa susunod na halalan, basta’t natupad mo pa rin sa panahong iyon ang lahat ng mga kondisyon ng kandidatura.
Una, isusulat mo ang iyong talambuhay. Isa itong maikling talatang nagdedetalye sa iyong kaugnay na karanasan – offline, sa OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha), at sa fandom.
Ikalawa, sasagutin mo ang mga tanong sa Manipesto, na sadyang magkakatulad para sa lahat ng mga kandidato.
Ikatlo, lalahok ka sa Q&A. Isinumite ng publiko ang mga katanungan.
Ika-apat, dadalo ka sa pampublikong usapan. Aayusin ito ng Komite ng Halalan ayon sa iyong talakdaan.
Sa panahon ng kampanya, iwasang gamitin ang mga opisyal na logo ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) (o mga larawang maaaring mapagkamalang opisyal na logo ng OTW), kasama na ang mga logo para sa mga indibidwal na proyekto tulad ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan). Maaari mong i-reblog o i-retweet ang mga opisyal na anunsyo ng OTW na naglalaman ng mga logo, ngunit mangyaring huwag i-ugnay ang mga logong ito para sa kampanya ng isang kandidato o mga kandidato. Ito ay para maiwasang magbigay ng paniniwalang ang OTW ay may iniindorsong partikular na kandidato o mga kandidato.
Pagboto
Maaari kang maging miyembro ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyong nagkakahalaga ng 10 USD o higit pa. Tumatagal ng isang taon ang sapi, simula sa araw kung kailan ka nagbigay ng donasyon. Sa gayon, maaari kang makaboto sa isang halalan sa OTW. Kung kasalukuyan kang miyembro ng OTW at nagbigay ka muli ng donasyong 10 USD o higit pa, uusad ang araw ng pagtatapos ng iyong pagiging miyembro; parati itong isang taon mula sa araw ng iyong pinakahuling pagbibigay ng donasyong 10 USD o higit pa. Upang makita ang panahong sakop ng pagiging botante sa halalan ngayong taon, maaaring tignan ang timeline ng halalan.
May ilang maaaring dahilan:
- Nagbigay ka ba ng donasyon bago ang kasalukuyang taon ng halalan? Kung hindi ka sigurado, maaari kang makipag-ugnayan sa aming Komite ng Pagsulong at Kaaniban. Tanging ang mga miyembrong nagbigay ng donasyon sa kasalukuyang taon ng halalan lamang ang maaaring bumoto sa halalan sa taong iyon.
- Inihinto mo ba ang iyong suskrisyon mula sa mga email galing sa OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha)? Kung ganoon nga, maaari mong padalhan ng email ang [email protected] upang maibalik ka sa listahan.
- Nabubukod ba ang iyong mga email mula sa OTW sa iyong spam folder? Kung ayaw mo itong mangyari, subukang idagdag ang @transformativeworks.org sa iyong listahan ng mga safe contact.
Kung walang kinalaman sa iyong sitwasyon ang mga nabanggit, makipag-ugnayan sa amin at susubukan naming ayusin ang iyong problema.
Bilang isang ligal na organisasyong di-pangkalakal, obligasyon naming siguraduhin na ang bawat boto ay mula sa isang natatangi at ligal na kinikilalang indibidwal. Ang pinakamadaling paraan upang gawin ito ay iugnay ang pagiging miyembro sa mga donasyong ginawa gamit ang isang bank account o credit card — samakatuwid, isang paraan ng pagbabayad na nagtatatag ng pagkakakilanlan. Ang tuntuning ito ang dahilan kung bakit ang mga donasyong ginawa sa pamamagitan ng perang padala ay hindi naggagawad ng kaaniban.
Ang mga botante—lahat ng mga miyembrong nagbayad na naaayon sa saligan—ay papadalhan ng mga tagubilin sa email address na kanilang ginamit sa pag-anib sa organisasyon. Lahat ng balota ay hindi pangangalanan.
Bibilangin ang mga boto gamit ang isang bersyon ng instant runoff voting na iniangkop para sa mga halalang may maraming panalo. Para sa buong detalye, maaaring tignan ang pahina ukol sa proseso ng pagboto.
Ipapaskil ang buong resulta matapos isara ang mga presinto; maliban sa mga hindi inaasahang mga problema, ipapahayag namin ang mga resulta nang hindi tatagal sa tatlong araw matapos ang pagsusumite ng mga balota. Kung sakali mang magkaroon ng pag-aantala, magpapaskil ang Komite ng Halalan ng balita ukol sa kadahilanan at ang oras na ilalaan para sa pag-aayos sa aberya.
Upang mapanatili ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng miyembro ng Lupon, hindi namin inihahayag ang pagkakasunud-sunod ng resulta ng mga kandidato.
Pagboto Gamit ang Kahalili
Ang pagboto gamit ang kinatawan ay ang pagtatalaga ng ibang tao na bumoto para sa iyo sa halalan, na pinapayagan ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) alinsunod sa batas ng Delaware. Karaniwan itong isinasagawa kung hindi makakaboto ang isang miyembro sa panahon ng halalan dahil hindi siya makakagamit ng internet o may ibang tungkuling kailangang asikasuhin.
Kung hindi mabuksan ng isang miyembro ang panubok na balota, halimbawa maaaring gumagamit siya ng lumang software o may iba pang isyung kaugnay sa pagkakaakma ng software na naging dahilan kung bakit hindi mabuksan ang balota, malamang magkakaroon siya ng parehong isyu sa tunay na balota at nararapat magtalaga ng kinatawan. Ikaw mismo ang dapat magtalaga ng iyong kinatawan. Hindi magtatalaga ang Komite ng Halalan at ang OTW ng mga kinatawan para sa mga miyembro.
Itinatalaga ang mga kinatawan sa pamamagitan ng email. Tuwing magpapadala ng email upang magtalaga ng kinatawan, kinakailangang sundin ang mga sumusunod:
- Kailangang magmula ang kahilingan para sa pagtatalaga ng kinatawan sa email account na iyong ginamit para magbigay ng donasyon sa OTW;
- Kailangan itong ipadala sa [email protected] at sa iyong kinatawani;
- Kailangan kasama sa email ang iyong ligal na pangalan; at
- Kailangan nakasaad sa email na nais mong italaga bilang iyong kinatawan ang tagatanggap ng iyong email.
Kinakailangang sagutin ng iyong kinatawan ang email na iyon bilang pagkilala na natanggap niya ito. Kinakailangan din niyang gamitin ang kanyang ligal na pangalan sa kanyang pagtugon. Dapat matanggap ng [email protected] ang tugon na ito dalawang linggo bago ang halalan. I-aanunsyo ang opisyal na huling araw para sa pagtatalaga ng kinatawani sa timeline ng halalan.
Tumatagal ang pagiging kinatawan ng anim na buwan; hindi namin maaaring bawiin o palitan ang iyong nakatalagang kinatawan hanggang hindi pa natatapos ang anim na buwan na iyon. Kung sakaling itinalaga kang maging isang kinatawan, hindi mo maaaring ipasa ang tungkuling ito sa ibang tao.
Karagdagang Impormasyon
Ang pahina ng Mga Halalan (Elections) ang iyong dapat puntahan para sa lahat ng impormasyon ukol sa halalan. Mayroon kaming seksyon para sa kasalukuyang balita at sa nakaraan, pati na mga mas detalyadong kategoryang nakalista sa gilid.
Maari kang makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng aming form para sa pakikipag-ugnayan. Ikagagalak naming tumulong!