2022 OTW Timeline ng Halalan at Nakatakdang Huling Araw ng Pagiging Miyembro

Malugod na ipinahahayag ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) Komite ng Halalan na nailathala na ang timeline para sa 2022 halalan para sa mga bagong miyembro ng Lupon ng mga Tagapangasiwa!

Gaganapin ang halalan para sa taong ito sa ika-12 hanggang ika-15 ng Agosto . Nangangahulugan ito na sa ika-17 ng Hunyo ang huling araw para magpahayag ang mga boluntaryo ng kanilang kandidatura.

Katulad ng dati, ika-30 ng Hunyo ang huling araw ng pagiging kasapi ng halalan. Kung interesado kang bumoto, mangyaring siguraduhin na aktibo ang pagka-miyembro mo hanggang sa petsang nabanggit. Mangyaring tandaan na nakatakda ang petsa ng resibo ng iyong donasyon sa US Eastern Time, kaya kung nailista ang iyong donasyon matapos ang alas 19:59 sa ika-30 ng Hunyo, 2022 sa resibo nito, hindi ka maaaring bumoto. Kung may alanganin ka kung nagawa ang iyong donasyon bago ang palugit, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Komite ng Pagpapaunlad at Kaaniban sa pamamagitan ng paggamit sa form ng pakikipag-ugnayan na nasa aming website at sa pagpili sa “Kasalukuyan ba ang aking pagiging miyembro/Maaari ba akong bumoto?”. Read More

Pahayag ukol sa mga Kandidato para sa Halalan ng OTW 2016

Paghahayag ng mga Kandidato

Ang OTW (Pagsasaling-wika) ay nagagalak na ipahayag ang mga sumusunod na kandidato para sa Halalan ng 2016 (naka-alpabetong pagkakaayos ng ibinigay na pangalan):

  • James Beal
  • Kristina Busse
  • Priscilla Del Cima

Dahil mayroon tayong dalawang posisyon na kailangang punuan at 3 kandidato, ang halalan ng 2016 ay pagtutunggalian—iyon ay, pagbobotohan ng mga miyembro ng OTW kung sino sa mga kandidato ang magpupuno ng mga posisyon. Read More