Estadistika ng Halalan 2021 ng OTW

Ngayong tapos na ang Halalan 2021, ikinalulugod naming ibahagi sa inyo ang mga estadistika ukol sa pakikilahok ng mga botante!

Nagtala ang Halalan 2021 ng kabuuang 11,231 na mga rehistradong botante. Sa mga botanteng ito, 2,305 ang nagpasa ng balidong balota, na kumakatawan sa 20.5% ng mga potensyal na botante. Mas mababa ang pakikilahok ng mga botante ngayon kumpara sa nakaraang taon, na may pakikilahok na 21.4%. May nakitang pagbaba ng bilang ng mga ipinasang balota, mula 2,858 hanggang sa 2,305, na aabot sa 19.3% na pagbaba. Read More

2021 Mga Kinalabasan ng OTW Halalan

Nais pasalamatan ng Komite ng Halalan ang lahat ng mga kandidato para sa kanilang pagsusumikap sa halalan ngayong taon. Kaya ikinagagalak naming ibahagi sa inyo ang kinalabasan ng halalan para sa taong 2021.

Opisyal na nahalal ang mga sumusunod na kandidato (na nasa alpabetikal na pagkakaayos) sa Lupon ng mga Tagapangasiwa:

  • E. Anna Szegedi
  • Kari Dayton

Dagdag pa rito, malungkot na inaanunsyo ng Lupon ng mga Tagapamahala na ang tagapamahalang si Kati Eggert, na siyang inhilalal noong nakaraang taon, ay bababa na sa kanyang posisyon, sa madaling panahon. Malugod naming tinatanaw ang serbisyong inihandog ni Kati at nagpapasalamat kami sa kanyang gawa at dedikasyon.

Para punan ang nabakenteng posisyon, itatalaga ng Lupon ang kandidatong nakakuha ng ikatlong pinakamaraming boto sa eleksiyong ito, si Antonius Melisse, upang sumama sa Lupon ng mga Tagapamahala at upang magsilbi sa nalalabing panahon ng termino ni Kati (dalawang taon) simula sa unang araw ng Oktubre. Sa ganitong paraan, nasisigurong patuloy tayong magkakaroon ng punong Lupon hanggang sa susunod na halalan.

Pormal na magsisimula ang paglilipat ng tungkulin sa mga bagong miyembro ng Lupon sa ika-1 ng Oktubre. Hangad namin ang kanilang matagumpay na panunungkulan.

Dito nagtatapos ang panahon ng halalan. Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa pamamagitan ng pagbabahagi ng balita, pagtatanong sa mga kandidato at, siyempre, sa pagboto! Umaasa kami sa inyong muling pakikibahagi sa susunod na taon.


Isang di pang-kalakal na organisasyon ang OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) na sumasaklaw sa ilang mga proyekto, tulad ng AO3, Fanlore, Open Doors, TWC, at Batasang Pagtataguyod. Pinapatakbo ang buong organisasyon ng mga boluntaryo at dumepende lamang sa mga donasyon. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa OTW, maaaring tumungo sa website ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga boluntaryong tagasalin, na siyang nagsalin ng paskil na ito, maaaring tumungo sa pahina ng Komite ng Pagsasalin.

Bukas na ang Halalan para sa 2021 Lupon ng OTW!

Sinimulan na ang halalan!

Dapat may balota na ang bawat miyembro ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na sumali mula ika-1 ng Hulyo, 2020 hanggang ika-30 ng Hunyo, 2021. Kung hindi mo pa ito natanggap, mangyaring tingnan muna ang iyong spam folder bago makipag-ugnayan sa amin gamit ang form para sa pakikipag-ugnayan. Mangyaring tandaan na nakatakda ang petsa ng resibo ng iyong donasyon sa US Eastern Time, kaya kung nailista ang iyong donasyon pagkatapos ng alas 19:59 sa ika-30 ng Hunyo, 2021 sa resibo nito, hindi ka maaaring bumoto. Kung hindi ka sigurado kung nagawa ang iyong donasyon bago ang nakatakdang huling araw, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Komite ng Pagpapaunlad at Kaaniban sa pamamagitan ng paggamit sa form para sa pakikipag-ugnayan na nasa aming website at sa pagpili sa “Is my membership current/Am I eligible to vote?” (Kasalukuyan ba ang aking pagkakaanib/Maaari ba akong bumoto?).

Magtatagal ang halalan hanggang ika-16 ng Agosto, 2021, alas 23:59 UTC; maaaring gamitin ang palitan ng time zone para alamin kung anong oras ito para sa iyo.

Pagkatapos mong bumoto, maaari ka nang pumunta sa Twitter at gamitin ang hashtag na #OTWE2021 para makipagkilala at makipag-usap sa iba pang mga botante! Nasasabik kaming makarinig mula sa iyo!


Isang organisasyong di-pangkalakal ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na sumasaklaw sa ilang mga proyekto, tulad ng AO3, Fanlore, Open Doors, TWC, at Ligal na Pagtataguyod ng OTW. Pinapatakbo ang buong organisasyon ng mga boluntaryo at dumepende lamang sa mga donasyon. Maaari niyong alamin ang higit pa tungkol sa amin sa pagbisita sa website ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga boluntaryong tagasalin, na siyang nagsalin ng paskil na ito, maaaring tumungo sa pahina ng Komite ng Pagsasalin.

Mga Kasapi ng OTW – Tignan ang Inyong Email para sa Mga Panuto sa Pagboto

Sa kasalukuyan, dapat nakatanggap na ang lahat ng mga botanteng kasapi ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) ng email na naglalaman ng kawing ukol sa mga panuto para sa halalan ng taong 2021. “Voting Instructions for Organization for Transformative Works (OTW) Board Election” (Mga Panuto sa Pagboto para sa Eleksyon ng Lupon ng Organisasyon para sa Ibahing Katha (OTW)) ang paksa ng email. Mangyaring tandaan na hindi kasama sa listahan ng mga botante at hindi makatatanggap ng balota ang mga hindi nakatanggap ng email na ito.

Maglalaman ng kawing sa isang panubok na bersyon ng balota ang email ng mga panuto sa pagboto. Mangyaring sundan ang kawing para siguraduhing maayos na nakalahad ang pahina at nakikita ang lahat ng mga kandidato. Kung hindi, mangyaring siguraduhin na hindi naka-block ang JavaScript mula sa ajax.googleapis.com, bootstrapcdn.com, at/o opavote.com. Read More

2021 Anunsyo Ukol sa mga Kandidato para sa Halalan ng OTW

Anunsyo Ukol sa mga Kandidato

Ikinalulugod ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na i-anunsyo ang mga sumusunod na kandidato para sa Halalan ngayong taong 2021 (na pinagsunud-sunod ayon sa unang titik ng kanilang unang pangalan):

  • Antonius Melisse
  • E. Anna Szegedi
  • Kari Dayton
  • Laure Dauban

Dahil mayroong 2 posisyong kailangang punan at 4 na kandidato, magkakaroon ng tunggalian — sa madaling salita, boboto ang mga miyembro ng OTW upang piliin kung sino sa mga kandidato ang ihahalal ngayong taong 2021. Read More

OTW Timeline at Takdang Oras ng Pagiging Miyembro para sa Halalan 2021

Malugod na ipinahahayag ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) Komite ng Halalan na nailathala na ang timeline para sa halalan 2021 para sa mga bagong miyembro ng Lupon ng Pangangasiwa!

Gaganapin ang halalan para sa taong ito mula ika-13 hanggang ika-16 ng Agosto. Nangangahulugan ito na sa ika-18 ng Hunyo ang huling araw para magpahayag ang mga kawani ng kanilang kandidatura.

Katulad ng dati, ika-30 ng Hunyo ang huling araw ng pagiging miyembro sa halalan. Kung interesado kang bumoto, mangyaring siguraduhin na aktibo ang pagka-miyembro mo hanggang sa petsang nabanggit. Mangyaring tandaan na nakatakda ang petsa ng resibo ng iyong donasyon sa US Eastern Time, kaya kung nailista ang iyong donasyon matapos ang alas 19:59 sa ika-30 ng Hunyo, 2021 sa resibo nito, hindi ka maaaring bumoto. Kung may alanganin ka kung nagawa ang iyong donasyon bago ang palugit, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Komite ng Pagsulong at Kaaniban sa pamamagitan ng paggamit sa form ng pakikipag-ugnayan na nasa aming website at sa pagpili sa “Kasalukuyan ba ang aking pagiging miyembro/Maaari ba akong bumoto?”. Read More