Malugod na ibinabalita ng komite ng Halalan ng OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) na nakapaksil na ang kronolohiya para sa halalan ng 2017!
Mayroong mga pagbabago sa kronolohiya ngayong taon. Upang maiwasang magkasabay ito sa ibang mga pangyayari sa OTW, mas maagang itinakda sa taon ang halalan. Sinimulan ang pagbabagong ito noong nakaraang taon, kung kailan ginanap ang halalan sa huling bahagi ng Septiyembre. Ngayong taon ito ay ililipat sa Agosto, kung saan inaasahan itong manatili sa nalalapit na hinaharap.
Gaganapin ang halalan ngayong taon mula ika-11 hanggang ika-14 ng Agosto.
Dahil dito, malilipat din ang takdang oras ng rehistrasyon upang maging miyembro. Tulad ng petsa ng halalan, hindi magbabago ang petsang ito kada taon. Ngayon, ang tinakdang oras upang maging miyembro ay sa o bago mag ika-30 ng Hunyo. Kung ikaw ay interesadong bumoto, pinakikiusapan naming tiyakin ninyo na aktibo ang inyong pagkakaanib pagdating ng petsang iyon.
Maari mong malaman kung paano maging miyembro sa website ng komite ng Halalan, o kung pamilyar ka na sa proseso, maari kang magbigay ng donasyon dito!
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa proseso ng halalan, maaring tingnan ang pahina ng mga Patakaran Ukol sa Halalan.
Maligaya naming inaabangan ang isang masiglang panahon ng halalan na mayroong sapat na pagpapanayam sa pagitan ng mga kandidato at ng mga botante, at umaasa kaming ikaw ay maging bahagi nito. Huwag kalimutang subaybayan ang komite ng Halalan sa Twitter at Tumblr upang maging batid sa mga pinakabagong balita!
Kung mayroon kang kahit anong katanungan o komentaryo, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa komite ng Halalan.
Ang balitang ito ay isinalin ng mga boluntaryong tagasalin ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa aming gawain, maanong tumungo sa pahina para sa Pagsasalin sa transformativeworks.org.