Bukas na ang Halalan para sa 2021 Lupon ng OTW!

Sinimulan na ang halalan!

Dapat may balota na ang bawat miyembro ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na sumali mula ika-1 ng Hulyo, 2020 hanggang ika-30 ng Hunyo, 2021. Kung hindi mo pa ito natanggap, mangyaring tingnan muna ang iyong spam folder bago makipag-ugnayan sa amin gamit ang form para sa pakikipag-ugnayan. Mangyaring tandaan na nakatakda ang petsa ng resibo ng iyong donasyon sa US Eastern Time, kaya kung nailista ang iyong donasyon pagkatapos ng alas 19:59 sa ika-30 ng Hunyo, 2021 sa resibo nito, hindi ka maaaring bumoto. Kung hindi ka sigurado kung nagawa ang iyong donasyon bago ang nakatakdang huling araw, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Komite ng Pagpapaunlad at Kaaniban sa pamamagitan ng paggamit sa form para sa pakikipag-ugnayan na nasa aming website at sa pagpili sa “Is my membership current/Am I eligible to vote?” (Kasalukuyan ba ang aking pagkakaanib/Maaari ba akong bumoto?).

Magtatagal ang halalan hanggang ika-16 ng Agosto, 2021, alas 23:59 UTC; maaaring gamitin ang palitan ng time zone para alamin kung anong oras ito para sa iyo.

Pagkatapos mong bumoto, maaari ka nang pumunta sa Twitter at gamitin ang hashtag na #OTWE2021 para makipagkilala at makipag-usap sa iba pang mga botante! Nasasabik kaming makarinig mula sa iyo!


Isang organisasyong di-pangkalakal ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na sumasaklaw sa ilang mga proyekto, tulad ng AO3, Fanlore, Open Doors, TWC, at Ligal na Pagtataguyod ng OTW. Pinapatakbo ang buong organisasyon ng mga boluntaryo at dumepende lamang sa mga donasyon. Maaari niyong alamin ang higit pa tungkol sa amin sa pagbisita sa website ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga boluntaryong tagasalin, na siyang nagsalin ng paskil na ito, maaaring tumungo sa pahina ng Komite ng Pagsasalin.